Sunday, July 29, 2012

Pinakbet
















Pinakbet o Pakbet ay isang klase ng lutong ulam ng mga pilipino na ang mga sangkap ay puro gulay. Nariyan ang okra, talong, ampalaya, kalabasa at sitaw na kung nais pang dagdagan ng ibang gulay ay pwedeng pwede pa.

Ang Pinakbet ay ang tradisyonal na pagkain ng mga Ilokano. Ang lungsod ng Ilokos ay kilala dahil sa kanilang masasarap na Pinakbet na sinangkapan ng bilog na talong, maliliit na ampalaya at bagoong isda. Sa Vigan, ito ay sinasahugan pa ng hiniwang bagnet (ang lechon kawali ng mga Ilokano).

Sa mga mahihilig sa gulay o mga vegetarian, patok na patok ang mga luting ganito para sa kani-kanilang diet. Masustansya ay malaki pa ang tyansang makaiwas sa mga sakit dulot ng pagkain ng mga matatabang mga karne.

Kaya't narito ang mga sangkap at paraan ng pagluluto.


Mga Sangkap:

  • 1 tasang liempo na hiniwang pakuwadrado
  • mantika
  • 2-3 kutsarang bagoong isda o ayon sa panlasa
  • 1 tasang tubig
  • 1 katamtamang laki na ampalaya, inapat na hiwa
  • 3 pirasong talong, inapat na hiwa
  • 5 pirasong okra, hinati
  • 4 na pirasong kamatis, hiniwa
  • 1 maliit na sibuyas, hiniwa
  • 1 maliit na luya, hiniwa 
 Paraan ng pagluluto:
  1. Pagmantikain ang liempo sa kawali at itabi pansamantala.
  2. Sa kaserola, pakuluin ang bagoong isda at tubig.
  3. Idagdag ang baboy at mga gulay.
  4. Lutuing maigi. 

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...